top of page

Lakbay Sanaysay

Nasa paniniwala ng mga Pilipino na kapag nagsimula na ang bakasyon, ito ay panahon ng mga pamilya at kaibigan. Panahon ng pagsasaya, paggala, kumain at kung ano-ano pa. Naniniwala sila na kapag bakasyon lalo na at tag-init, dito ang tamang panahon para mag-langoy, magsaya, at magsama-sama kayo ng pamilya mo pati na rin ng mga kaibigan mo.

Kaya naman noong april 5, 2016, napag desisyunan naming magkakabarkada na gumala at magswimming. gumal kami sa iisang patok na  pasyalan sa Laguna. Nagsimula ang aming gala mula umaga hanggang gabi. Nagkita-kita kami sa iisang lugar kung saan nandon na ang aming sasakyan papunta sa aming paggagalaan.

Napag-desisyunan naming magkakabarkada na sa "Splash Island" na lang mgapunta. ang rason namin kung bakit doon ay dahil mura at may discount at higit sa lahat malapit. Laking pasasalamat ko at pinayagan ako ng aking mga magulang.

Nang matapos ang isang buong araw ng pagsasaya kasam ang aking mga kaibigan, marami akong natutunan. Natuto akong magsaya ng wala munang iniisip na problema. Natutuo akong magsaya ng hindi iniisip ang magagastos ko. Dahil ang mahalaga ay ang saya na naramdaman ko kasama ang mga kaibigan ko sa isang buong araw.

Di mahalaga ang pera, dahil ang tunay na mahalaga ay ang oras at samahan na naigugol mo para sa mga kaibigan mo.

Pagpapahalaga sa samahan na meron kayo ang tunay na sukatan ng pagmamahalan.

Ang pagkakaibigan ay di nasusukat sa pera kung hindi sa kung anong meron sa inyong samahan. Pagbibigay importansya sa bawat isa at sa bawat nararamdaman nila ay mahalaga din para matwag na tunay na pagkakaibigan.

bottom of page