top of page

PICTORIAL ESSAY
BUNGA NG KASIPAGAN AT PAGTITIYAGA
Ang bawat magulang ay naghihirap sa pagtatrabaho upang mapag-aral ang kanilang mgaanak sa isang magandang paaralan.
Sinisigurado nila na hindi mapupunta sa wala
ang paghihirap nila na maitaguyod ang
pag-aaral ng kanilang mga anak.


Sinisigurado nila na sa bawat araw na lumipas ay isang magandang bukas ang nagaabang. Ang ating mga magulang ang nagsisilbing gabay natin sa bahay.
Tiwala ng mga magulang sa kanilang mga anak ay buong-buo. Nagtitiwala sila na nag-aaral nang mabuti ang kanilang mg anak. Tiwala sila na tama ang desisyong kanilang ginawa nang ipasok nila ang kanilang mga anak sa paaralang kanilang napili. Tiwala ang unang mawawala kapag may nangyayaring di kaaya-aya. Kaya sa bawat desisyong
kanilang ginagawa, ilang beses ang kanilang ginagawang pag-iisip upang makapagdesisyon. At sa huli ay maging maganda ang maging resulta ng desisyon na kanilang ginagawa.


Sinisigurado nila na sa bawat araw o oras na aalis ng bahay ang kanilang mga anak ito ay ligtas. Ligtas sa mga taong nasa paligid nila. Kaya sini-sigurado nila na tamang tao ang gagabay sa kanilang mga anak sa oras ng sila ay wala. Sa bawat paghihirap at pagtitiyaga ng ating mga magulang ay maaaring mapalitan ng saya mula sa mga anak. Ang tanging hiling ng mga magulang ay mapagtapos ang kanilang mga anak sa pag-aaral. Hiling nila na mapalaki ang mga anak na may taong gagabay sa kanila hanggang sa pagtanda nila.

Labis na tuwa ang kanilang nararamdaman sa bawat tagumpay na nakukuha ng kanilang mga anak. Dahil ang tagumpay ng anak ay tagumpay ng magulang. Sobra-sobrang bayad ang tagumpay sa paghihirap at pagtitiyaga nila sa pagtatrabaho. Tagumpay ng kanilang mga anak ay nagpapakita ng kaginhawahan sa kanilang pagtatrabaho. Tagumpay ang nagpapasaya sa bawat tao. Walang maaaring makasira ng tuwa na dulot ng tagumpay sa pagtatapos sa pag-aaral. Parang tinik ang nabunot sa kanilang lalamunan kapag nakita nilang nagtatagumpay ang kanilang mga anak.
Kasama sa paghihirap at pagtitiyaga nila sa pagtatrabaho ay ang kasiguraduhan na sa tamang kaibigan sila mapupunta. Tamang desisyon ng anak ang kanilang inaasahan. Hindi pwedeng mapunta sa wala ang kanilang hirap at tiyaga sa trabaho dahil lamang sa maling desisyon na magkaroon ang kanilang mga anak ng maling kaibigan. Kaibigan na kasama, kausap at kalaro sa bawat oras na sila ay wala sa tabi ng kanilang mga anak.

bottom of page